-- Advertisements --

Pumalo na sa 20,513 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Estados Unidos.

Sa pinakahuling datos, nadagdagan ng 1,766 ang nasabing bilang sa loob ng isang araw.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng death toll kung ihahambing sa alinmang mga bansa sa buong mundo.

Nahigitan ng Amerika ang Italy, na mayroong 19,468 deaths, at ang Spain na may 16,606.

Samantala, umakyat pa sa 1,775,176 ang bilang ng mga COVID-19 cases worldwide.

Ang 1,214,718 (96%) sa mga ito ay may roong mild condition at 50,397 (4%) naman ang serious o critical condition.

Umaabot naman sa 108,544 ang mga namatay at 108,544 ang mga naka-recover.