-- Advertisements --
trump esper whitehouse

Tila isang bangungot ang kinakaharap ngayon ng mamamayan sa Estados Unidos dahil inabot lamang ng tatlong buwan para bawiin ng coronavirus pandemic ang buhay ng 100,000 Amerikano.

Patuloy na nangunguna ang Amerika sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng virus na pumalo na ng mahigit 1.7 million.

Katumbas ito ng 30% kabuuang bilang ng confirmed cases sa buong mundo.

Naitala sa estado ng Washington ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 noong Enero 21.

Nasa 20 estado ang hanggang ngayon ay nakapagtatala pa rin ng bagong kaso kada-linggo tulad na lamang ng North Carolina, Wisconsin at Arkansas.

Sa kabila naman nang ibinabatong kritisismo kay President Donald Trump dahil sa umano’y mabagal nitong pagkilos ay nakuha pa rin ng Pangulo na purihin ang ginagawang hakbang ng kaniyang administrasyon upang labanan ang pandemic.

Aniya, kung nagpabaya lamang daw ito ay baka mas mataas pa ng 25 beses ang naitatalang patay sa kanilang bansa.