-- Advertisements --
PNP

Sumampa na sa 25 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19 infections.

Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, ang pinakahuling fatality ay ang 42-anyos na lalaking pulis na naa-assign sa PRO-12 (Soccskasrgen).

Ang mga pulis na nagpopositibo sa COVID ay sumasailalim sa 14-day quarantine at sumasailalim sa mga test.

Sa sandaling cleared na ang isang pulis, magpapahinga muna ito ng pito hanggang 10 araw pagkatapos balik na rin ito sa kaniyang duty.

Sa latest data ng PNP, nasa 45 na mga police officers ang nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19), kung saan umakyat na sa 7,338 ang total recoveries.

Bumaba naman ang active cases na kasalukuyan ay nasa 395.

Nakapagtala din ang PNP ng 24 na bagong kaso sa ngayon nasa kabuuang 7,758 na ang COVID-19 cases sa PNP.

Ang mga naitalang bagong kaso ay sa Police Regional Offices 1 (Ilocos Region) na nasa 12, sumunod ang National Capital Region Office (NCRPO), National Operational Support Units, PRO-4A (Calabarzon), PRO Cordillera na tig-dalawa habang tig-isa naman sa National Headquarters, PRO-3 (Central Luzon), PRO-7 (Central Visayas) at PRO-11 (Davao region).