-- Advertisements --

Higit 4,000 bagong kaso ng COVID-19 pa rin ang naitala ng Department of Health (DOH) sa ikalawang sunod na araw, kaya naman umakyat pa ang total cases ng bansa sa 147,526.

Ayon sa DOH, ang 4,002 new reported cases ay resulta ng submission ng 93 mula sa 100 laboratoryo. Pinaka-marami sa mga ito ang galing dito sa National Capital Region na nasa higit 2,000.

Sumunod ang Calabarzon na may higit 600, at Central Luzon sa higit 100 bagong kaso ng sakit.

Nasa 83-percent ng iniulat na new confirmed cases ang nag-positibo sa nakalipas na 14 araw. May iba ring nag-positibo noon pang Marso, Abril, Mayo at Hunyo na ngayon lang inireport.

Samantala ang bilang ng mga nagpapagaling o active cases ay higit 74,000 pa.

Ang total deaths ay nasa 2,426 matapos madagdagan ng 23. Habang 1,403 na bagong recoveries ang iniulat ng DOH, na nagpaakyat pa sa total na 70,387.

“Of the 23 deaths, 13 (57%) in August, 6 (26%) in July, 1 (4%) in June, 2 (9%) in April, and 1 (4%) in March. Deaths were from NCR (10 or 43%), Region 4A (5 or 22%), Region 7 (3 or 13%), CAR (3 or 13%), Region 9 (1 or 4%), and Region 10 (1 or 4%).”

Paliwanag ng Health department, may 225 duplicates silang tinanggal sa total case count. Kasali rito ang 12 recovered cases at isang death case.

May isa ring iniulat na recovery ang pinalitan ng status matapos malaman sa validation na siya ay patay na

“These numbers undergo constant cleaning and validation.”