-- Advertisements --
Posibleng maabot ang peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila sa loob ng isang linggo dahil sa nakikitang unti-unting pagtaas ng infections sa nakalipas na linggo.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, ang bagong kaso sa NCR ay patuloy na tumataas bagamat mabagal ang growth rate na nasa 285 kumpara sa 41% mula noong nakalipas na linggo.
Iniulat din ni Dr. David na mula July 9 hanggang July 15, mayroong 802 cases per day ang naitatala sa Metro Manila habang nasa average na 624 naman noong nakalipas na July 2 hanggang July 8.
Ang 7-day average sa rehiyon ay nagpapakita ng average daily attack rate na 5.57 kada araw sa bawat 100,000 population.
Ikinokonsidera ng DOH ang ADAR na 6 na nasa moderate risk ng COVID-19