-- Advertisements --

NAGA CITY- Pumalo na sa 808 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.

Sa report ng Department of Health Center for Health Development – Bicol, apat na bagong kaso ang nadagdag kung saan dalawa ang mula sa Camarines Sur na mula sa mga bayan ng Milaor at Garchitorena habang mula naman sa lungsod ng Naga ang dalawang iba pa.

Agad namang nagpatupad ng lockdown sa Barangay Hall ng Concepcion Grande at sa Abella Street, Villa Sorabella dahil sa pagkamatay ni Bicol 805 na isang Barangay Personnel sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, ito na ang pang 23 sa mga binawian ng buhay sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.