-- Advertisements --

May naitala pang 271 na bagong confirmed COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) ngayong araw, April 23, kaya pumalo na sa 6,981 ang total na bilang ng mga nagpositibo sa sakit sa bansa.

Ang bilang naman ng mga namamatay ay nadagdagan ng 16, na nagpaakyat pa sa death toll sa 462.

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang bilang ng recoveries dahil sa 29 na bago ang naitalang gumaling.

May 722 kabuuang bilang na ang mga COVID-19 recoveries.