-- Advertisements --
Pinawi ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig ang pangamba ng marami ukol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Singapore.
Sinabi nito na bagamat mayroong pagtaas ay hindi naman ito maituturing ng gobyerno ng Singapore na nakakaalarma.
Pinatitiyak din ng Singapore government na dapat ay maging updated ang mga bakuna ng mga residente.
Tuloy-tuloy din ang panawagan ng kanilang gobyerno na iwasan ang mataong lugar at ugaliing maging malinis ang mga kamay.