-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 6,000 ang bilang ng mga dinapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa latest update ng Department of Health (DoH), nasa kabuuang 6,087 na ang bilang ng mga tinamaan ng naturang virus.

Nadagdagan ang bilang ng mga posibito ng 209 na kaso.

Samantala, sa ngayon ay 516 na ang bilang mga nakareboker at nadagdagan ito ng 29.

Nadagdagan din ng 10 ang bilang ng mga namatay at may kabuuan nang 397 deaths.