-- Advertisements --
viber image

Nadagdagan pa ng mahigit 200 ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DoH), 233 ang bagong positibo sa loob ng 24 oras at may kabuuan nang 4,428 ang positibo sa naturang sakit.

Pumalo rin sa 26 ang bagong namatay at sa ngayon ay mayroon nang 247 deaths.

Marami naman ang bilang ng mga naka-rekober na nadagdagan ng 17 at may kabuuang 157 recoveries.