Pumanaw na ang country singer na si Loretta Lynn sa edad 90.
Ayon sa kampo nito na dahil na rin sa katandaan ang sanhi ng kamatayan nito sa kaniyang bahay sa Tennessee.
Taong 2017 ng ma-stroke na ito at sa sumunod na taon ay napilay ang beywang.
Nominado ito ng 18 beses sa Grammy at napagwagian ang 4.
Mayroon din itong 21 kanta na nag-numero 1 at 11 album na nagnumero uno.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “You Ain’t Woman Enough (To Take my Man)”, “Don’t Come Home a Drinkin”, ” One’s on the Way”, “Fist City” at maraming iba pa.
Nagwagi ito ng Country Music Awards bilang Vocalist of the Year noong 1967, 1972 at 1973.
Ikinasal ito kay Oliver Lynn sa loob ng 50 taon sa taong 1948 noong siya ay 15-anyos pa lamang na mayroong silang anim na anak.
Pumanaw ang asawa noong 1996 habang ang anak na lalaki na si Jack Benny Lynn pumanaw sa edad 34 at anak na si Betty Sue pumanaw sa edad 64 dahil sa emphysema.
Itinalaga ito bilang Nashville Songwriters Hall of Fame noong 1983 at Country Music Hall of Fame noong 1988.
Nagwagi siya Billboard Legacy Award for Women in Music noong 2015 at Named Artist of a Lifetime noong 2018.