CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang Ribbon Cutting Ceremony ng Highway 1647 Garden ng Kabacan Garden Association sa Brgy. Osias, Kabacan Cotabato.
Layunin ng asosasyon na maipakita ang kagandahan ng pagtatanim ng iba’t-ibang bulaklak at upang magkaroon ng mas malawak na lugar para sa mga mamimili sa bayan ng Kabacan at ng buong Probinsya ng Cotabato.
Dumalo rin sa ribbon cutting sina Board Members Jonathan Tabara, Shirlyn Neneng Macasarte, Ivy Dalumpines-Balitoc. Sa panig naman ng LGU ay dumalo sina Municipal Vice Mayor Myra Dulay, Municipal Councilor Ayesha Quilban at iba pang opisyal ng bayan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng Bise-Gobernadora ang mga stakeholders sa bayan ng Kabacan sa isa na namang makabuluhang hakbang upang isulong ang kabuhayan at kapayapaan sa lugar.