-- Advertisements --
Ninakaw ng mga gangs ang aid containers ng United Nations children’s Agency o UNICEF na para sana sa mga bata na naiipit sa kaguluhan sa Haiti.
Una ng ikinabahala ng UNICEF na dahil sa patuloy na kaguluhan ay magiging malala ang mararanasang kaguluhan.
Magugunitang nilusob ng armadong suspek ang capital na Port-au-Prince kung saan pinakawalan nila ang nasa 4,000 na inmates.
Nakatakda namang magbitiw sa puwesto ngayong linggo si Prime Minister Ariel Henry kapag ang transitional council ay mabuo.