Tiniyak ng mga senador na hindi pababayaan ang mga empleyado nilang nagpositibo sa COVID-19.
Katunayan, maging ang pamilya ng 18 na-detect na may COVID ay pinasusuri na rin, matapos ang development ng mass testing kahapon.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang naturang pangyayari ay patunay na kailangan na ngayon ang mass testing para malaman at matugunan ang tunay na problema ukol sa deadly virus.
Sa simpleng pagtingin kasi ay tila malusog ang 18 infected ng corona virus, bago sila kinunan ng blood sample.
Kaya naman, maaaring ang masisiglang pagala-gala ngayon sa iba’t-ibang lugar ay carrier din pala ng sakit.
Samantala, binigyang-linaw naman ni Dr. Cristeta Cocjin ng Senate clinic na hindi conclusive ang rapid test result, dahil ani-bodies lamang ang na-detect dito at hindi ang mismong virus na COVID-19.
Sa panig ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, tila traydor daw ang sakit na kumakalat ngayon kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.
Matatandaang walang sintomas na nakita kay Zubiri nang magpositibo siya sa COVID-19 noong Marso.
Habang bumalik naman ang virus kay Sen. Sonny Angara na una nang idineklarang negatibo sa mga nakaraang pagsusuri.