Kinumpirma ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na nagpositibo ito sa COVID-19 kahapon.
Ayon kay Magalong, dahil sa ilang indikasyon, sumalang siya sa RT-PCT test at mabilis namang nakuha ang resulta sa kaparehong araw.
“It is a sad note that I would like to inform everyone. I was tested positive of the Covid-19 virus,” ayon kay Magalong.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ang contact tracing sa mga nakahalubilo ng alkalde sa mga nakaraang araw.
Ang ilang malapit Baguio city mayor ay nag-self isolate na habang naghihintay ng iba pang development.
“Contact tracing efforts are underway for those whom I have come into close contact with. I also strongly advise everybody to observe the minimum health standards,” dagdag pa ni Magalong.