CENTRAL MINDANAO- Nagnegatibo na sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang construction driver sa latest swab test result sa bayan ng Banisilan North Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni Banisilan Municipal Mayor Jesus Alisasis.

Unang nagpositibo sa nakakahawang sakit ang construction driver na naharang sa Covid 19 Checkpoint sa Wao Del Sur at Banisilan Cotabato bago ito nakauwi sa kanyang tahanan.

Ang biktima ay may travel history sa Tagoloan Misamis Oriental at Cagayan De Oro City.

Kinumpirma rin ni Mayor Jesus Alisasis na nagnegatibo rin sa Covid 19 ang lahat ng mga nakasalamuha ng biktima.

Matatandaan na may ilang residente rin sa probinsya ng Cotabato na gustong umuwi sa kanilang lugar mula sa Davao City at Cagayan De Oro City ngunit hindi nakalusot sa border checkpoint sa bayan ng Banisilan.

Sa ngayon ay Covid 19 positive free na ang buong probinsya at hinigpitan pa nito ang mga entry at exit points kontra sa nakakahawang sakit