Binuksan na ng Social Security System ang condonation program para sa mga employer na bigong mag-remit ng mga kontribusyon ng kanilang empleyado.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na magandang samantalahin ng mga employers ang nasabing contribution penalty condonation programs.
Sinabi pa nito na maaring ayusin ng mga delinquent employers ang kanilang contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Management and Restructuring Program para sa business employers at Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program para naman sa household employers.
Maari lamang magtungo ang mga ito sa iba’t-ibang branch nila para sa malaman ang mga requirements ng nasabing programa.