Inanunsiyo ng beteranong rockstar Ozzy Osbourne na kaniyang kinansela ang mga shows nito.
Sinabi nito na sa kaniyang edad ay mahina na ang kaniyang katawan para magsagawa pa ng mga concerts.
Noong nakaraang apat na taon kasi ay naaksidente ang 74-anyos na singer na na nagdulot sa pagka-injured ng spine nito.
Saad pa nito na walang problema ang kaniyang boses subalit matapos ang tatlong operasyon na pinagdaanan gaya ng stem cell treatments, endless physical therapy, at groundbreaking Cybernics (HAL) Treatment, ay naging mahina na ang kaniyang katawan.
Nagsimula ang career nito bilang miyembro ng heavy metal band na Black Sabbath kung saan nagwagi ito ng Grammy Awards sa pagiging solo at sa pagkasama sa nasabing banda.
Una na ipinagpaliban nito ang kaniyang 2019 concert din dahil sa nagpapagaling pa ito mula sa injury.
Na-diagnosed na rito ng Parkinson’s disease noong Enero 2020 at nagpositibo sa COVID-19.
Magsisimula sana ang kaniyang farewell European at United Kingdom tour sa buwan ng Mayo.