May napili ng bagong petsa na ang digital concert ni Regine Velasquez.

Ayon sa organizers ng concert, itinakda na ito sa darating na Pebrero 28.

-- Advertisement --

Unang napili kasi ang Pebrero 14 para sa concert subalit ito ay nakansela matapos ma-expose ang tinaguriang Asia’s songbird sa isang tao na positibo sa COVID-19.

Isinailalim sa isolation ang singer at nagnegatibo ito sa nasabing virus.

Paglilinaw pa ng organizers na kanilang tatangapin pa rin ang tickets sa mga nakanselang concert.