-- Advertisements --

Masaya si Asia’s Songbird Regine Velasquez dahil sa mga social media users na tumutulak sa kaniya para hirangin bilang national artist. 

NGunit ayon mismo sa singer, tingin niya ay hindi pa siya qualified para dito at may iba pang mga artist ang mas nararapat na hirangin bilang national artist. 

Kabilang sa mga binanggit ni Regine ay sina Pilita Corrales at Jose Mari Chan, na sana raw ay mabigyan ng pagkilala habang nabubuhay pa. 

Nagsimulang itulak ng mga fans na maging national artist si Regine Velasquez matapos itong parangalan sa ginanap na Billboard Philippines Women in Music Awards noong Marso.