Tuluyan ng kinansela ni Gary Valenciano ang kaniyang concert dahil pa rin sa banta ng corona virus o COVID-19.

Sa kaniyang Instagram post, inanunsyo nito ang kanselasyon ng “Pure Energy 2020” na nakatakda sanang gawin sa Abril 18-19 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sinabi nito na masakit ang desisyon sa postponement ng nasabing concert.

Tiniyak naman nito sa kaniyang fans na itutuloy ito kapag wala na ang coronvirus outbreak.