-- Advertisements --
Dinagdagan ng bandang Cup of Joe ang araw ng kanilang nalalapit na konsiyerto.
Matapos kasi na ang nakatakda sanang dalawang araw na “Stardust” concert sa Oktubre ay na-sold out ang tickets.
Dahil dito ay nagpasya sila na gawing tatlong araw na lamang ang konsiyerto.
Sa kanilang social media account ay inanunsiyo ng grupo ang pagkakaroon ng ikatlong araw sa konsiyerto na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Magsisimula ang konsiyerto mula Oktubre 10,11 at 12.
Nakilala ang banda sa mga kantang “Multo” , “Misteryoso”, “Estranghero” at maraming iba pa.