-- Advertisements --

Tiniyak ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa grupo ng mga international observers na bibigyan sila ng sapat na access habang nag-oobserba ng halalan dito sa Pilipinas.

Una nang hinarap ni Pangarungan ang mga dayuhang observers at ipinaliwanag sa kanila ang proseso ng pagboto sa Pilipinas at ang paggamit ng vote counting machines (VCMs).

Binigyan din ang mga ito ng pagkakataon na bomoto para sa demonstrations ng VCMs.

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Comelec sa mga international observers na sana naman ang mga ito ay mamantine ang kanilang pagiging impartial, sundin ang mga guidelines at walang kakampihang mga kandidato habang nag-oobserba sa kalakaran ng eleksiyon sa bansa.

International observers Comelec

“You shall have unimpeded access to the electoral process subject only to such conditions necessary for the protection of our Comelec personnel and property,” ani Pangarungan.

Una nang iniulat din ng grupong Asian Network for Free Elections (ANFREL) na magde-deploy sila sa Pilipinas anim na long-term international poll observers at dalawang electoral analysts upang i-monitor ang halalan sa Pilipinas.

Ito na ang ikaapat na hakbang ng ANFREL para sa international election observation mission sa Pilipinas matapos ang ginawa nila noong 2008 Autonomous Region sa Muslim Mindanao at noong taong 2010, at 2016 national at local elections.