-- Advertisements --

Nilinaw ni Comelec Comm. Rey Bulay na wala siyang sinasabing pagbabanta laban sa mga kritiko ng nalalapit na eleksyon.

Tugon ito ni Bulay sa mga puna ukol sa kanilang nakaraang press conference na pinakahuluganan umano ng ilang personalidad bilang pananakot sa mga babatikos sa kanilang mga ginagawa sa poll body.

Para sa opisyal, na-twist ang kaniyang mga sinabi at nabigyan ng maling kulay.

Wala naman daw sana silang planong patulan ang mga lumabas na artikulo sa ilang pahayagan, ngunit ayaw lang nilang magdulot ito ng maling kaisipan sa publiko.

Hangad din umano ng komisyon na mapanatili ang transparency sa kanilang election preparation.