-- Advertisements --
Nakapag-imprinta na ang Commission on Elections (COMELEC) ng mahigit 92 milyon na balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, ipinapakita lamang nila ang kanilang kahandaan sakaling matuloy na ngayong taon ang nasabing halalan.
Mayroon aniya silang idadagdag na mga balota para sa mga bagong botante at yung mga nag-reactivate na mga botante.
Sa nasabing bilang ay aabot na rin sa 100 porsyento ang mga balota ang naideliver ng COMELEC.
Sa mga susunod na buwan aniya ay magsasagawa na rin sila ng mga pagsasanay sa mga guro na siyang tatayong election board.