-- Advertisements --
Nagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng nasa 1.1 Milyon na bagong botante ang nakapagrehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na mayroon din mahigit 7,000 ang naiproseso ng kanilang aplikasyon sa Register Anywhere project nila.
Magugunitang magtatapos ang voters registration sa Enero 31 habang ang RAP ay magtatapos lamang ng hanggang Miyerkules.
Hihilingin din nito sa kongreso para sa dagdag na honraria ng mga guro na magsisilbi para sa halalan sa buwan ng Oktubre.










