Maglalabas ang Commission onj Elections (Comelec) ng desisyon sa mga susunod na araw kaugnay sa motion for reconsidenration na inihain ng diskwalipakadong Cagayan governor na si Manuel Mamba.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, na-raffle na sa isang ponente o ang magsusulat ng desisyon sa pitong miyembro ng komisyon kayat asahan na mabilis na aniyang madedesisyunan ng Comelec ang naturang mosyon upang alamin kung tama ang naging pasya ng dibisyon at kung ito ay pagtitibayin ng en banc.
Matatandaan na noong Disyembre 14, naglabas ang Comelec Second Division ng isang resolutiin na nagdidiskwalipika kay Mamba mula sa pagka-Gobernador ng Cagayan sa nakalipas na 2022 elections dahil sa paglabag sa election spending ban.
Ang naturang resolusyon ay nilagdaan nina Presiding Commissioner Marlon Casquejo at Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis.