-- Advertisements --
Comm. Marlon Casquejo

Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Elections (Comelec) sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng ilang isyu ng pagkaantala ng overseas absentee voting (OAV) sa ilang mga lugar.

Puna kasi ng ilang Pinoy voters, hindi naging malinaw ang abiso sa kanila kaya hindi agad nakaboto.

Habang ang ilan ay may bukod pang karaingan.

Ayon kay Comelec Comm. Marlon Casquejo, ang commissioner in charge sa OAV, na-relay naman nila sa mga embahada ang lahat ng mahahalagang bilin.

Mula sa 175,266, nasa 76,745 dito ay mula sa Asia Pacific at 1,809 sa Amerika.

Habang nasa 13,462 overseas voters naman ang bumoto sa Europe habang 83,450 na Pilipino ang bumoto na sa Middle East at Africa.

Ang naturang mga posts ay pinaikling foreign service posts na tumutukoy sa mga embahada, konsulado, foreign service establishments, at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa.

Umaasa ang Comelec na makakahabol pa ang ibang OFWs sa pagboto, dahil hanggang Mayo 9 pa naman ang halalan.