Pumalo na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban.
Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police officers, at 10 military personnel.
Nakumiska naman sa mga lumabag sa isinagawanf 2,209 police operations ang 1,785 firearms, 10,157 pirado ng bala at 826 deadly weapons.
Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators ay mula pa rin sa National Capital Region na mayroong 854, Calabarzon, 250 at Central Visayas na may 241.
Sa ilalim nga ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbitbit ay pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons sa labas ng kanilang bahay mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.
Exempted sa gun ban ang mga law enforcers, pero dapat ay otorisado ng Comelec at dapat ay nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang nakaduty sa kasagsagan ng election period.