-- Advertisements --

Nakiusap ang Comelec na huwag munang pangunahan ang kanilang tanggapan sa anumang posibleng maging aksyon ukol sa ilang nakabinbing petistyon na makakaapekto sa 2022 elections.

Kabilang na rito ang disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Comm. Rowena Guanzon, iniiwasan muna niyang magsalita ukol sa petisyon laban kay Marcos dahil hindi pa ito natatalakay, kung saan ginamit pa nito ang latin word na “pendente lite” o pending litigation.

“Sorry, no comment regarding petition versus Bong Bong Marcos. Pendente lite,” wika ni Guanzon.

Samantala, sa panig naman ng tagapagsalita ng poll body na si Dir. James Jimenez, sinabi nitong ang kumakalat na pahayag niya ukol sa isyu sa dating mambabatas ay kaniyang binanggit noong wala pang naghahain ng petisyon.

“That statement was made before the petition was filed. At that time, there was, in fact, no case for disqualification filed,” wika ni Jimenez.