Aminado ang Comelec na may ilang aberya silang naitala, ngunit maituturing pa rin bilang matagumpay ang Pilipinas debates 2022.
Pagsasalarawan ni Garcia, highly successful ang aktibidad dahil marami ang dumalo at sumubaybay sa naturang paghaharap-harap ng mga kandidato.
Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, ang idinaos na unang presidential at vice presidential debates ng komisyon nitong nakalipas na weekend ay makakatulong sa mga botante para mas makilala pa nila ang mga susuportahang kandidato.
Sinabi pa ng opisyal na kahit hindi kumpleto ang mga dumalo, marami pa rin ang nag-abang sa naturang event, na naisahimpapawid sa malawak na nararating ng mga kaagapay na media company, kabilang na ang Bombo Radyo Philippines na taning radio network na naghatid nito ng live sa radyo at social media accounts.
Inaasahang masusundan pa ang presidential at vice presidential debates sa mga susunod na buwan.