Coco and Venus
Coco and Venus

Sabik na ang mga tennis fans sa muling paghaharap nina American Coco Gauff at Venus Williams sa unang round ng Australian Open.

Ito ang inanunsiyo ng organizers matapos ang isinagawang draw lots ng mga players na maghaharap sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.

Noong nakaraang Hulyo kasi ay ginulat ng 15-anyos na si Gauff ang buong mundo ng talunin agn seven-time grand slam singles champion sa unang araw ng Wimbledon.

Makakaharap naman ng Australian Open defending champion Naomi Osaka si Marie Bouzkova ng Czech Republic.

Bagamat isang hamon ngayon na hinaharap ng organizers ang nagaganap na wild fires ay sinabi nilang may mga nakalaan silang contingency plans.

-- Advertisement --