-- Advertisements --

Pinuri ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Japeth Aguilar sa kanyang dedikasyon at sakripisyo para sa pambansang koponan sa kabila ng limitadong oras ng paglalaro sa 2025 FIBA Asia Cup.

Ayon kay Cone, hindi naging madali para kay Aguilar na sumali sa torneo, lalo na’t may personal siyang pinagdaraanan at ayaw rin ng kanyang asawa na siya’y umalis.

Gayunman, tinugon ng Barangay Ginebra big man ang panawagan ng bansa.

“What a warrior he is… My hats off to Japeth. He responds to the country every time,” ani Cone sa isang panayam.

Kahit na naglaro lamang ng average na 3.5 minuto kada laro at hindi sumabak laban sa Chinese Taipei at New Zealand, malaki ang naging ambag ni Aguilar sa liderato at moral ng team, lalo na sa naging ensayo ng team at sa bench.

Dagdag pa ni Coach Cone, mahalaga ang presensya ni Aguilar lalo na’t wala si Kai Sotto, at kinailangan nila ng karagdagang frontline.

Samantala katatapos lang ni Aguilar sa kanyang pinakamahusay na PBA seasons kung saan siya ay naging kandidato para sa Best Player of the Conference sa Governors’ Cup.