Ipinagmalaki ngayon ng Gilas Pilipinas ang malakas na suporta ng mga Filipino sa Jeddah, Saudi Arabia.
Nasa Saudi Arabia ang Gilas Pilipinas para sa 2025 FIBA Asia Cup.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na hindi nila nararamdaman na nasa teritoryo sila ng katunggali dahil sa tuwing may ensayo sila ay makikita ang suporta ng mga Filipino.
Halos lahat ng manlalaro ng Gilas ay kilala ng mga Filipino na nasa Saudi Arabia.
Dagdag pa nito na damang-dama nila ang init na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanila.
Mula ng dumating sila noong Huwebes ay agad silang nagsagawa ng ensayo.
Mayroon ng dalawang panalo ang Gilas sa kanilang friendly games na ang huli ay tinalo nila ang Jordan 75-61.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa Miyerkules ng alas-2 ng madaling araw.