-- Advertisements --

Matatanggap na ng mga teaching at non-teaching personnel ng public schools ang P6,000 na clothing allowance ngayong Abril.

Ayon sa Department of Education (DepEd) na inaprubahan na nila a ng bagong sets ng “national uniform design.”

Magiging epektibo ito sa School Year 2022 hanggang 2023.

Sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Anne Sevilla na ipapatupad ang nasabing uniporme sa taong 2022 para mabigyan ng sapat na oras ang mga empleyado ng kanilang bagong uniporme.

Hindi naman binanggit ng DepEd kung magkano ang halaga ang nasabing uniporme.

Gagamitin ito mula Lunes hanggang Huwebes habang sa Biyernes ay susuotin lamang ang mga office attire.