Nanawagan si George Clooney ng pag-boycott sa lahat ng mga hotel na pag-aari ng Sultan ng Brunei.

Kasunod ito ng pagpapatupad ng marahas na kaparushan sa mga gay.

Sa inilabas na open letter ng actor, hinikayat nito ang mga mamamayan na huwag tangkilin ang mga hotels na pag-aari ni Sultan Hassanal Bolkiah.

Kabilang dito ang sikat na Beverly Hills Hotel at ang Hotel Bel-Air.

Ilan sa mga hotels na pag-aari ni Bolkiah ay ang 45 Park Lane sa London, The Dorchester sa London, Coworth Park sa UK, Le Meurice sa Paris, Hotel Plaza Athenee sa Paris Hotel Eden sa Rome at Principe di Savoia sa Milan.

Magugunitang nagpasa ng batas sa Brunei ang pagbato hanggang mamatay ang mga napatunayang sangkot sa gay-sex.