-- Advertisements --

Pinahiya ng New Orleans Pelicans ang powerhouse team na Los Angeles Clippers, 120-103.

Nanguna si Zion Williamson sa Pelicans na may 23 points upang iposte ang kanilang ika-27 panalo ngayong season.

Naghahabol ang Pelicans na makuha ang huling slot sa Western Conference.

Sa panig ng Clippers na meron ng 43 wins ay hindi pa rin nakakalaro sa ika-apat na sunod na games ang NBA star na si Kawhi Leonard bunsod ng injury.

Si Paul George naman ay inalat sa laro na naglista lamang ng siyam na puntos, habang si Demarcus Cousins ay nasayang ang 16 points at 11 rebounds.