Paul George Clippers
Paul George of Clippers

Bilang sa kamay ang nalalabing araw bago tuluyang masilayan ng mga Los Angeles Clippers fan ang debut ng bago nilang All-Star recruit na si Paul George.

Ayon sa isang report babalik na sa hardcourt sa Biyernes (PH time) ang forward na si George kung saan haharapin nila ang New Orleans Pelicans.

Uma-average ito ng 28 points, 8.2 rebounds, 4.1 assists at 2.2 steals noong nakaraang season noong bahagi pa siya ng Oklahoma City Thunder kung kaya’t labis na inaantay ang pagdagdag niya sa Clippers upang maka-tandem si Kawhi Leonard.

Bago pa man makita ang chemistry ng dalawa ay “kinatatakutan” na kaagad sila sa liga dahil sa kanilang galing sa pagdepensa, dagdag pa rito si Patrick Beverley.

Naudlot ang debut ni George ng 10 laro dahil sa pagrekober ng kanyang shoulder injuries kung saan inoperahan ito noong off-season.

Ang kombinasyon ng scoring at defense ng Clippers ang syang dahilan kung bakit isa sila sa paboritong magkampeyon sa NBA ngayong season.