Claudine Barretto
Claudine Barretto/ IG post

Itinakbo sa pagamutan si Claudine Barretto matapos ang naging alitan nila ng kapatid na si Marjorie sa burol ng kanilang ama.

Nagtamo ng galos sa kamay at nahilo ang actress kaya ito ay nagpa-confine sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City.

Kinumpronta umano ni Claudine si Marjorie dahil sa naging asal nito ng bumisita sa burol ng ama ang isa pa nilang kapatid na si Gretchen.

Nauna rito matagal ng nagkaroon ng alitan si Gretchen sa kaniyang ama at ina.