-- Advertisements --
Pinasalamatan ng actress na si Claudine Barretto ang mga fans at kapwa artista na nagpaabot ng pagdarasal para sa kaniyang agarang paggaling.
Sumailalim sa operasyon sa hita ang actress sa isang pagamutan sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig.
Sa kanilang social media ay nagpost ito ng larawan habang nasa pagamutan at patuloy ang pagpapagaling.
HIndi naman na nito nagbanggit ng mga detalye ng pagpapadaan nito ng operasyon.