-- Advertisements --

NAGA CITY- Dahil sa nararamdamang sama ng panahon na epekto ng tail end of cold front sa Bicol Region nagdeklara na si Libmanan Mayor at MDRRMC Chairperson Bernard Brioso ng suspension of classes sa naturang lugar.

Sa advisory na ipinalabas ng Alkalde, epektibo ang naturang suspension ngayong hapon ng Disyembre 10, 2019.

Sakop nito ang mga mag-aaral mula sa pre-school hanggang elementary level sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, nakaalerto naman ang mga otoridad sa Libmanan dahil sa mga naitalang malawakang pagbaha noong mga nakaraang araw.