-- Advertisements --

Inaasahan ng Clark International Airport Corporation (CIAC) ang pagdagsa ng nasa apat na milyong pasahero ngayong taon.

Ayon kay CIAC President and CEO Arrey Perez na ang pagdami ng mga tourist arrivals ay dahil sa diverson ng ilang flights mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sasailalim kasi sa rehabilitations ang NAIA sa susunod na mga buwan kaya handa ang Clark sa nasabing pagdating ng mga tao.

Noong nakaraang taon kasi ay hindi nila naabot ang target na 2 milyon arrivals kaya kumpiyansa sila ngayong taon na maabot ang nasabing target.