-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Department of Energy (DOE) ang pagrepaso sa oil deregulation law.

Ayon kay Department of Enery (DOE)-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, isusumite nila ang mga panukalang pagbabago sa mga mambabatas sa lalong madaling panahon.

Matatandaan, muling binuhay ang panawagan para sa pagrepaso sa oil deregulation law ng bansa kasunod ng krisis sa Gitnang Silangan na nagdulot ng global oil supply shocks.

Sa ilalim nga ng naturang batas, pinapayagan ang mga kumpaniya ng langis na magtakda ng pagtaas sa mga presyo ng mga langis base sa market factors nang walang approval mula sa gobyerno.

Samantala, ayon kay Dir. Abad, inaantay na lamang nila ang Maayo 1, para ma-track ang pandaigdigang presyo ng langis, kung saan ang pinakamalaking oil producer sa buong mundo na Saudi Aramco, ay maglalabas ng contract pricing.