ambush
Cebu ambush

Inambus-patay si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa M. Velez Street sa lungsod ng Cebu pasado alas-2:00 ng hapon nitong Biyernes.

Kung maalala, inaresto nitong Huwebes si Navarro matapos isumbong ng isang John DueƱas sa pulisya na nambubugbog at nagpa-masturbate ng isang babaeng masahista sa loob ng isang massage parlor noong Miyerkules ng gabi.

Kagabi ng Huwebes ay dinala ito sa presinto dahil tumaas ang dugo ng mayor at gusto sana nitong magpa-hospital arrest ngunit hindi ito pinayagan ni PMaj. Eduard Sanchez na may special treatment.

Nakatakda na sanang isailalim sa inquest proceedings ang mayor nitong Biyernes ng hapon ngunit hindi na ito natuloy, dahil sa nangyaring pag-ambush.