-- Advertisements --

Nirerespeto ng mga cinema owner at mga negosyante ang naging pasya Metro Manila mayors na hindi muna payagan ang pagbubukas ng mga sinehan at arcades dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa mga negosyante na ayaw nila na sila pa ang maging sanhi ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 kapag pinilit nilang magbukas ang mga sinehan at mga arcades.

Handa umano silang maghintay sakaling magdesisyon ang mga opisyal ng gobyerno na muling pabalikin ang kanilang operasyon.

Magugunitang kinumpirma ni Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na nagpasya ang lahat ng alkalde sa temporaryo munang huwag ibalik ang operasyon ng mga sinehan at arcade hanggang hindi pa tuluyang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakatakda na rin silang maglabas ng resolusyon para sa nasabing kautusan.

Nauna ng iminungkahi ng Department of Trade and Industry na maaari ng buksan ang mga sinehan at ilang mga arcades sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.