Nilinaw ng Cybercrime Investigation and Coordinationg Center (CICC) na ang mga naarestong hacker ay walang kakayahang manipulahin ang darating na botohan sa Mayo 9.
Ayon kay CICC executive director at Undersecretary Cezar Mancao II, pag i-scam lang ng mga politiko ang layunin ng tatlong hacker na naaresto ng pulisya.
Totoo aniyang mayroon silang access sa Smartmatic system sa tulong ng dating empleyado ng Smartmatic ngunit limitado lamang daw ito at hindi nito kayang baguhin ang magiging resulta nang darating na eleksyon.
Sinabi rin ni Mancao na hindi na kakayanin pa ng access na ito na ng mga hacker na pasukin ang sistema ng Comelec sa mismong araw ng eleksyon nang dahil sa iba’t-ibang klaseng firewall, at multi-level checking.
Samantala, tiniyak naman ni Brig. Gen. allan Nobleza ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na “foolproof” ang system ng Comelec dahil mahirap daw itong pasukin nang dahil sa high-level ng security na inilagay dito.
Kung maaalala, naaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sina Joel Adajar Ilagan, Adrian de Jesus Martinez, at Jeffrey Cruz Ipiado sa Cavite at Laguna nang dahil sa kakayahan daw nilang manipulahin ang magiging resulta ng halalan sa Mayo 9.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
















