-- Advertisements --
Handang makipagtagisan sa kongreso ang Commission on Human Rights (CHR) sakaling talakayin ang muling pagbubuhay ng parusang kamatayan.
Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit, nakahanda silang makipagtalastasan sa mga mambabatas.
Aalukin din nila ang mga mambabatas ng mga programa kung paano mapababa ang krimen.
Nauna rito ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang parusang kamatayan lalo na at karamihan sa mga bagong halal na senador ay kaalyado ng administrasyon.