Ikinagulat ni vetaran coach Chot Reyes ng ito ay alukin na pamunuan ang TNT Tropang Giga.

Sinabi nito na ilang araw nitong pinag-isipang mabuti bago tanggapin ang alok mula kay PLDT-Smart chairman Manny V. Pangilinan.

Dagdag pa nito na hindi madali ang nasabing desisyon dahil mismong ang chairman ng kumpanya ang nag-alok sa kaniya.

Inamin nito na nagiging matindi ngayon ang kumpetisyon sa PBA dahil sa maraming koponan na ang magagaling.

Magugunitang huling nag-coach si Reyes sa Gilas Pilipinas noong 2018.

-- Advertisement --