-- Advertisements --
Sa bibihirang pagkakataon ay inamin ni Chinese President Xi Jinping na nagkakaroon ng problema ang ekonomiya ng kanilang bansa.
Sa kaniyang talumpati sa pagdiriwan ng bagong taon, sinabi nito na maraming negosyo sa kanilang bansa ang nagkukumahog.
Hirap din na makahanap ng mga trabaho ang kanilang mga mamamayan.
Ito ang unang pagkakataon na inamin ng Chinese President na nagkakaroon ng problema ang kanilang ekonomiya mula ng magsimula ito ng magbigay ng mensahe tuwing bagong taon noong 2013.
Pagtitiyak naman nito na makakabangon ang kanilang bansa sa mga hamon na kanilang kinakaharap.