Nagsagawa rin ng serye ng “confrontational drills” ang Chinese Navy sa West Philippine Sea.
Kasunod ito sa pagsisimula ng US aircraft carrier group sa nasabing karagatan.
Nanguna ang Chinese navy Shandong aircraft carrier group na nagsagawa ng “realistic combat-oriented confrontational exercise”.
Gamit nila ang J-15 fighter jet na lumipad mula sa Shandong at nagsagawa ng interception training.
Ang nasabing carrier group ay nag-ensayo rin gn attack at defence sa lupa, himpapawid at maging sa ilalim ng tubig.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinimulan ng US Nimitz carrier strike grouop ang drill bilang routine operations sa Indo-Pacific.
Kaparaanan din ito ng US para mapigilan ang pagpapalawak ng China ng kanilang military outpost sa artificial island.
Bukod kasi sa Pilipinas ay kasama ang Taiwan, Vietnam, Malaysia at Brunei na nag-aangkin sa nasabing lugar.